Sony Xperia M - Tungkol sa Album

background image

Tungkol sa Album

Gamitin ang Album upang tumingin ng mga larawan at mag-play ng mga video na

kinunan mo gamit ang iyong camera, o upang tumingin ng katulad na nilalamang na-

save mo sa iyong device. Maaari kang magdagdag ng mga geotag sa iyong mga

larawan at video, at pagkatapos ay tingnan ang mga iyon sa isang mapa ng mundo. Sa

Album, maaari mo ring tingnan ang mga larawan at video na na-upload mo sa isang

online na serbisyo, halimbawa, sa isang Picasa™ web album o sa Facebook™.
Mula sa Album, maaari mong ibahagi ang iyong mga paboritong larawan at video sa

mga kaibigan sa pamamagitan ng wireless na teknolohiya ng Bluetooth™, email,

pagmemensahe at iba't-ibang online na serbisyo. Maaari ka ring magsagawa ng mga

pangunahing gawain ng pag-edit sa mga larawan at i-set ang mga iyon bilang wallpaper

o mga litrato ng contact.

Pangkalahatang-ideya sa tab na Album

Ang mga sumusunod na tab ay available sa Album:

Mga Litrato – tingnan ang lahat ng larawan at video na naka-save sa iyong device.

Aking album – tingnan ang iyong mga online na album, at iyong naka-geotag na mga

larawan at video clip sa mapa ng mundo.

Upang magbukas ng Album

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Album.

Kung hindi awtomatikong nagbabago ang oryentasyon ng screen kapag itinatagilid mo ang

iyong device, markahan ang

I-auto-rotate ang screen checkbox sa ilalim ng Mga Setting >

Display.