Tungkol sa camera
Mula sa camera, magagawa mo, halimbawa, na ipadala ang iyong larawan at video sa
mga kaibigan bilang mga mensahe, o i-upload ang mga iyon sa isang serbisyo sa web.
Mayroon ding camera sa harap ang iyong device, na kapaki-pakinabang para sa mga
self-portrait.
Pangkalahatang-ideya ng mga kontrol ng camera
1
Mag-zoom in o out
2
Screen ng pangunahing camera
3
Key ng camera – I-aktibo ang camera/Kumuha ng mga litrato/Magrekord ng mga video
4
Tingnan ang mga larawan at video
5
Kumuha ng mga litrato o magrekord ng mga video clip
6
Bumalik ng isang hakbang o lumabas sa camera
7
Lumipat sa pagitan ng camera sa harap at sa pangunahing camera
8
Camera sa harap
9
Icon ng mga setting ng camera at mga icon ng shortcut
Upang buksan ang camera
•
Pindutin at tanganan ang camera key.
Upang isara ang kamera
•
Pindutin ang mula sa pangunahing screen ng camera.