Sony Xperia M - Kumukonekta sa mga wireless network

background image

Kumukonekta sa mga wireless network

Maaari mong i-access ang Internet ng wireless mula sa iyong device gamit ang

teknolohiyang Wi-Fi®. Sa ganitong paraan maaari mong i-browse ang web at

magbahagi ng mga media file sa parehong network ng Wi-Fi® sa ibang DLNA

Certified™ na mga device, bilang halimbawa, mga Ts at computer.
Kung ang iyong kumpanya o samahan ay may virtual private network (VPN), maaari kang

kumonekta sa network na ito gamit ang iyong device. Maaari kang gumamit ng VPN

upang i-access ang mga intranet at iba pang panloob na mga serbisyo sa iyong

kumpanya.

Bago gumamit ng Wi-Fi®

Upang i-browse ang Internet gamit ang koneksyon ng Wi-Fi®, kailangan mong

maghanap at kumonekta sa isang available na network ng Wi-Fi® at pagkatapos ay

buksan ang browser ng Internet. Ang lakas ng signal ng Wi-Fi® network ay maaaring

mag-iba-iba depende sa lokasyon ng iyong telepono. Lumapit sa punto ng pag-access

ng Wi-Fi® upang pataasin ang lakas ng signal.

Para i-on ang Wi-Fi®

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting.

3

I-drag pakanan ang slider sa tabi ng

Wi-Fi upang i-on ang function ng Wi-Fi®.

Maaaring umabot nang ilang segundo bago gumana ang Wi-Fi®.

Upang kumonekta sa isang Wi-Fi® network

1

Mula sa Home screen, i-tap ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting.

3

Tiyaking naka-on ang function ng Wi-Fi®. Tapikin ang

Wi-Fi.

4

Ipinapakita ang mga available na Wi-Fi® network. Maaaring bukas o secure ang

mga magagamit na network. Isinasaad ng ang mga bukas na network at

isinasaad ng ang mga naka-secure na network sa tabi ng pangalan ng Wi-Fi®

network.

5

Tapikin ang isang Wi-Fi® network upang kumonekta dito. Kung sinusubukan

mong kumonekta sa isang secure na network, hihingin sa iyong magpasok ng

password. Ipapakita ang sa status bar sa sandaling nakakonekta ka na.

Natatandaan ng iyong device ang mga Wi-Fi® network na kinokonektahan mo. Sa susunod na

mapalapit ka sa dati nang kinonektahang Wi-Fi® network, awtomatikong kokonekta dito ang

iyong device.

Sa ilang lokasyon, hihingin sa iyo ng mga bukas na Wi-Fi® network na mag-log in sa isang

web page bago ka magkaroon ng access sa network. Makipag-ugnayan sa administrator ng

nauugnay na Wi-Fi® network para sa higit pang impormasyon.

Upang kumonekta sa isa pang Wi-Fi® network

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi. Ipinapakita ang mga nakitang Wi-Fi®

network.

3

Tapikin ang isa pang Wi-Fi® network upang kumonekta rito.

Upang mag-scan ng mga Wi-Fi® network nang manu-mano

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

3

Pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang

I-scan.

4

Upang kumonekta sa Wi-Fi® network, tapikin ang pangalan ng network.

90

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang manu-manong magdagdag ng Wi-Fi® network

1

Siguruhin na ang Wi-Fi® ay naka-on.

2

Mula sa Home screen, i-tap ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

4

Tapikin ang

.

5

Ipasok ang

Network SSID para sa network.

6

Tapikin ang field na

Seguridad upang pumili ng uri ng seguridad.

7

Kung kailanganin, ipasok ang password.

8

Tapikin ang

I-save.

Ipinapahiwatig ang pangalan ng Wi-Fi® network bilang SSID, ESSID, Access Point, atbp.

Makipag-ugnay sa iyong administrator ng Wi-Fi® network Upang makuha ang pangalan ng

Network SSID at password.

Mga advanced na setting ng Wi-Fi®

Katayuan ng Wi-Fi® network

Kapag konektado ka sa isang Wi-Fi® network o kapag mayroong magagamit na mga

Wi-Fi® network sa iyong lugar, posibleng makita ang katayuan ng mga Wi-Fi® network

na ito. Mapapagana mo rin ang iyong telepono upang magbiay-alam sa iyo tuwing

nakakatukoy ng isang bukas na Wi-Fi® network.

Upang paganahin ang mga abiso sa Wi-Fi® network

1

I-on ang Wi-Fi®, kung hindi pa ito naka-on.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

4

Pindutin ang .

5

Tapikin ang

Advanced.

6

Markahan ang checkbox na

Abiso sa network.

Upang tingnan ang detalyadong impormasyon tungkol sa nakakonektang Wi-Fi®

network

1

Mula sa Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

3

Tapikin ang Wi-Fi® network kung saan ka kasalukuyang nakakonekta. Ipinapakita

ang detalyadong impormasyon ng network.

Patakaran sa pag-sleep ng Wi-Fi®

Sa pamamagitan ng pagdagdag ng isang Wi-Fi® sleep policy, maaari mong tukuyin

kung kailan lilipat mula Wi-Fi® patungong mobile data.

Kung hindi ka nakakonekta sa isang Wi-Fi® network, gumagamit ng koneksyon ng mobile data

ang telepono upang i-access ang Internet (kung na-set up at pinagana mo ang isang

koneksyon ng mobile data sa iyong device).

Upang magdagdag ng patarakaran sa pag-sleep ng Wi-Fi®

1

Mula sa Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

3

Pindutin ang .

4

Tapikin ang

Advanced.

5

Tapikin ang

Panatilihin on Wi-Fi pag sleep.

6

Pumili ng opsyon.

Wi-Fi Direct™

Gamitin ang Wi-Fi Direct™ para kumonekta sa iba pang mga device nang direkta, nang

hindi sumasali sa isang tradisyunal na network ng tahanan, tanggapan o hotspot.

Halimbawa, maaari mong paganahin ang iyong device para makonekta nang direkta sa

91

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

isang computer para ma-access mo ang nilalaman mula sa iyong device sa computer.

Dapat na may certification ng Wi-Fi Direct™ ang mga device kung saan ka nagbabahagi

ng nilalaman.

Para i-on ang Wi-Fi Direct™

1

Siguraduhing may naka-on na function ng Wi-Fi®ang iyong device.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Wi-Fi.

4

Tapikin ang >

Wi-Fi Direct.

Virtual private networks (VPNs)

Gamitin ang iyong device upang kumonekta sa virtual private networks (VPNs), na

pinapayagan ka na mag-access ng mga mapagkukunan sa loob ng ligtas na lokal na

network mula sa labas ng aktwal na network. Halimbawa, ang mga VPN na koneksyon

ay karaniwang ginagamit ng mga korporasyon at institusyon sa pag-aaral para sa mga

gumagamit na kailangan ng access sa mga intranet at iba pang panloob na mga

serbisyo kapag sila ay nasa labas ng panloob na network, halimbawa, habang nasa

biyahe sila.
Maaaring ma-set up sa maraming paraan ang mga koneksyong VPN, depende sa

network. May ilang mga network na hinihiling sa iyo na ilipat at i-install ang security

certificate sa iyong device. Para sa detalyadong impormasyon kung paano i-set up ang

koneksyon sa iyong virtual private network, mangyaring makipag-contact sa network

administrator ng iyong kumpanya o organisasyon.

Upang magdagdag ng virtual private network

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Higit pa... > VPN.

3

Tapikin ang

Idagdag ang profile sa VPN.

4

Piliin ang uri ng VPN na idaragdag.

5

Ipasok ang iyong mga setting ng VPN.

6

Tapikin ang

I-save.

Upang kumonekta sa isang virtual private network

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Higit pa... > VPN.

3

Sa listahan ng mga available na network, tapikin ang VPN na gusto mong

konektahan.

4

Ipasok ang kailangang impormasyon.

5

Tapikin ang

Kumonekta.

Upang idiskonekta mula sa virtual private network

1

I-drag paibaba ang status bar.

2

Tapikin ang pag-abiso para ang koneksyong VPN ay magsara.