Sony Xperia M - Mga Pahintulot

background image

Mga Pahintulot

Maaaring kailanganin ng ilang application na mag-access ng data, mga setting at iba

ibang function sa iyong device upang gumana nang ayos. Kung gayon, kakailanganin

nila ang may-katuturang mga pahintulot mula sa iyo. Halimbawa, kailangan ng

application ng navigation ng mga pahintulot upang makapagpadala at makatanggap ng

trapiko ng data, at i-access ang iyong lokasyon.
Maaaring gamitin nang mali ng ilang application ang kanilang mga pahintulot sa

pamamagitan ng pagnanakaw o pagtatanggal ng data, o sa pamamagitan ng pag-uulat

sa iyong lokasyon. Tiyaking nag-i-install ka lang at nagbibigay ng mga pahintulot sa mga

application na pinagkakatiwalaan mo.

Upang tingnan ang mga pahintulot ng isang application

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting.

3

Tapikin ang

Apps.

4

Tapikin ang nais na application.

5

Mag-scroll pababa upang tingnan ang mga may-katuturang detalye sa ilalim ng

Mga Pahintulot.