Pag-download mula sa Google Play™
Maaari kang mag-download ng lahat ng uri ng application mula sa Google Play™,
kabilang ang mga libreng application.
Bago ka mag-download ng mga application
Bago ka magsimulang mag-downloadi mula sa Google Play™, tiyaking mayroon kang
gumaganang koneksyon sa Internet.
Gayundin, tandaang maaari kang makaipon ng mga pagsingil sa trapiko ng data kapag
nag-download ka ng nilalaman sa iyong device. Makipag-ugnay sa iyong operator para
sa higit pang impormasyon.
Upang mag-download ng libreng application
1
Sa Google Play™, maghanap ng item na nais mong i-download sa pamamagitan
ng pagbabasa ng mga kategorya, o sa pamamagitan ng paggamit ng function ng
paghahanap.
2
I-tap ang item upang tingnan ang mga detalye nito, at sundin ang mga tagubilin
upang kumpletuhin ang pag-install.
Upang mag-download ng binabayarang application
1
Sa Google Play™, maghanap ng item na nais mong i-download sa pamamagitan
ng pagba-browse ng mga kategorya, o sa pamamagitan ng paggamit ng function
ng paghahanap.
2
I-tap ang item upang tingnan ang mga detalye nito, at sundin ang mga tagubilin
upang kumpletuhin ang pagbili.