Sony Xperia M - Legal na impormasyon

background image

Legal na impormasyon

SonyC1904/C1905/

Ang User guide na ito ay na-publish ng Sony Mobile Communications AB o ng lokal nitong kaakibat na kumpanya,

nang walang anumang warranty. Ang mga pagpapabuti at pagbabago sa User guide na ito na dulot ng mga

typographical na error, mga pagkakamali sa kasalukuyang impormasyon, o mga pagpapabuti sa mga program at/o

kagamitan, ay maaaring gawin ng Sony Mobile Communications AB anumang oras at nang walang abiso.

Gayunpaman, ang mga naturang pagbabago ay maaaring isama sa mga bagong edisyon ng User guide na ito.
©Sony Mobile Communications AB, 2013.
Nakalaan ang lahat ng karapatan.
Ang iyong device ay may kakayahang mag-download, mag-imbak at magpasa ng karagdagang nilalaman,

halimbawa, mga ringtone. Maaaring paghigpitan o pagbawalan ayon sa mga karapatan ng mga third party ang

paggamit ng naturang nilalaman, kasama ang ngunit hindi limitado sa paghihigpit sa ilalim ng mga naaangkop na

batas sa copyright. Ikaw, at hindi ang Sony, ang ganap na responsable para sa karagdagang nilalamang ida-

download mo sa o ipapasa mo mula sa iyong device. Bago ang iyong paggamit ng anumang karagdagang

nilalaman, mangyaring patotohanan na ang iyong nilalayong paggamit ay wastong nakalisensya o kung hindi man

ay pinapahintulutan. Hindi ginagarantiya ng Sony ang katumpakan, integridad o kalidad ng anumang karagdagang

nilalaman o anumang iba pang nilalaman ng third party. Hindi sa anumang sitwasyon mananagot ang Sony sa

anumang paraan para sa iyong hindi tamang paggamit ng karagdagang nilalaman o iba pang nilalaman ng third

party.
Maaaring banggitin ng User guide na ito ang mga serbisyo o aplikasyong ibinibigay ng mga third party. Ang

paggamit ng naturang programming o mga serbisyo ay maaaring mangailangan ng hiwalay na pagpaparehistro sa

third party na provider at maaaring napapailalim ito sa mga karagdagang tuntunin ng paggamit. Para sa mga

aplikasyong na-access sa o sa pamamagitan ng website ng third party, pakisuri muna ang mga tuntunin ng

paggamit at ang naaangkop na patakaran sa privacy ng mga naturang website. Hindi tinitiyak o ginagarantiya ng

Sony ang availability o pagganap ng anumang mga website o iniaalook na serbisyo ng third party.
Alisin ang baterya upang makita ang impormasyong pangkontrol gaya ng marka ng CE.
Ang lahat ng produkto at pangalan ng kumpanyang nabanggit dito ay mga trademark o nakarehistrong trademark

ng kanya-kanyang may-ari ng mga ito. Nakalaan ang anumang mga karapatang hindi hayagang ibinigay dito. Ang

lahat ng iba pang trademark ay pagmamay-ari ng kanya-kanyang may-ari ng mga ito.
Bistahin ang

www.sonymobile.com para sa higit pang impormasyon.

Ang lahat ng paglalarawan ay para lang sa mga layunin sa paglalarawan at maaaring hindi tumpak na inilalarawan

ng mga ito ang aktwal na device.
Ang produktong ito ay pinoprotektahan ng ilang partikular na karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng

Microsoft. Ang paggamit o pamamahagi ng nabanggit na teknolohiya na labas sa produktong ito ay ipinagbabawal

nang walang lisensya mula sa Microsoft.
Ang mga may-ari ng nilalaman ay gumagamit ng Windows Media digital rights management technology (WMDRM)

para protektahan ang kanilang intelektwal na pagmamay-ari, kasama ang mga copyright. Gumagamit ng WMDRM

software ang device na ito para i-access ang nilalamang pinoprotektahan ng WMDRM. Kung ang WMDRM

software ay nabigong protektahan ang nilalaman, maaaring hilingin ng mga may-ari ng nilalaman sa Microsoft na

bawiin ang kakayahan ng software na gumamit ng WMDRM para mag-play o kumopya ng pinoprotektahang

nilalaman. Hindi nakakaapekto ang pagbawi sa hindi pinoprotektahang nilalaman. Kapag nag-download ka ng mga

lisensya para sa pinoprotektahang nilalaman, sumasang-ayon ka na maaaring magsama ang Microsoft ng listahan

ng pagbawi sa mga lisensya. Maaaring hilingin ng mga may-ari ng nilalaman na i-upgrade mo ang WMDRM para

ma-access ang kanilang nilalaman. Kung tatangihan mo ang isang pag-upgrade, hindi mo magagawang mag-

access ng nilalamang nangangailangan ng pag-upgrade.
Ang produktong ito ay may lisensya sa ilalim ng MPEG-4 visual at AVC patent portfolio na mga lisensya para sa

personal at hindi komersyal na paggamit ng consumer para sa (i) pag-encode ng video na sumusunod sa MPEG-4

visual standard ("MPEG-4 video") o sa AVC standard ("AVC video") at/o (ii) pag-decode ng MPEG- 4 o AVC video

na na-encode ng isang consumer na nagsasagawa ng personal at hindi komersyal na aktibidad at/o nakuha mula

124

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

sa isang provider ng video na may lisensya ng MPEG LA para magbigay ng MPEG-4 at/o AVC video. Walang

lisensyang ibinibigay o ipapahiwatig para sa anumang iba pang paggamit. Maaaring kumuha ng karagdagang

impormasyon, kasama ang mga nauugnay sa mga pampromosyon, panloob at komersyal na paggamit at

pagbibigay ng lisensya mula sa MPEG LA, L.L.C. Tingnan ang http://www.mpegla.com. Ang teknolohiya sa pag-

decode ng MPEG Layer-3 audio ay may lisensya mula sa Fraunhofer IIS and Thomson.

125

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.