Paglilipat ng mga contact gamit ang isang computer
Ang Xperia™ Transfer ay isang application na nakakatulong sa iyo na kolektahin ang
mga contact mula sa luma mong device at ilipat ang mga ito sa bago mong device.
Sinusuportahan ng Xperia™ Transfer, na maa-access mo mula sa Xperia™ Companion
software, ang mga mobile device na gumagamit ng iOS/iCloud at Android™. Kung
lumilipat ka mula sa isang iOS device, iminumungkahi ng feature na Pagtutugma ng App
ang mga katumbas sa Android ng iyong mga iOS app.
Upang magamit ang Xperia™ Transfer, kailangan mo ng:
•
Isang computer na nakakonekta sa Internet.
•
Bago mong Android™ device.
•
Isang USB cable para sa bago mong Android™ device.
•
Luma mong device.
•
Isang USB cable para sa luma mong device.
Maaaring hindi mo kailanganin ang luma mong device. Para sa mga iOS device, maaari kang
direktang kumonekta sa iCloud o gumamit ng lokal na pag-back up. Para sa mga dating
pagmamay-ari na Sony device, maaari kang gumamit ng mga lokal na pag-back up.
Upang maglipat ng mga contact sa bago mong device
1
Hanapin at i-download ang Xperia™ Companion for Windows sa
http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion o Xperia™ Companion for
Mac sa http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac kung hindi
pa naka-install ang software.
2
Gamit ang isang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer.
3
Pagkatapos ng matagumpay na pag-install, buksan ang Xperia™ Companion
software kung hindi ito awtomatikong malulunsad, pagkatapos ay i-click ang
Xperia™ Transfer
at sundin ang mga nauugnay na tagubilin upang ilipat ang iyong
mga contact.