Tungkol sa mga serbisyo ng lokasyon
Gamitin ang iyong device upang malaman kung nasaan ka. Mayroong dalawang paraan:
GPS at mga wireless na network. Paganahin ang pagpipiliang mga wireless na network
kung kailangan mo lamang ng iyong tinantyang lokasyon, at kailangan ito kaagad. Kung
nais mo ng mas eksaktong posisyon, at mayroong malinaw na view sa langit, paganahin
ang pagpipiliang GPS. Sa mga sitwasyon kung saan mahina ang koneksyon sa wireless
na network, dapat mong paganahin ang parehong pagpipilian upang matiyak na
matatagpuan ang iyong lokasyon.