Pag-synchronize sa Google™
I-synchronize ang iyong device sa iba't ibang serbisyo ng Google™ upang panatilihing
napapanahon ang iyong impormasyon, anuman ang device na pinaggagamitan mo ng
iyong Google™ account. Halimbawa, maaari mong i-synchronize ang iyong mga
contact, Gmail™ at data ng kalendaryo.
Upang mag-set up ng Google™ account para sa pag-synchronize
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Magdagdag ng account > Google.
3
Sundin ang wizard sa pagpaparehistro upang lumikha ng Google™ account, o
mag-sign in kung mayroon ka nang account.
4
Tapikin ang iyong bagong likhang Google™ account, pagkatapos ay tapikin ang
mga item na gusto mong i-synchronize.
Upang mag-synchronize nang manu-mano sa iyong Google™ account
1
Mula sa Home screen, tapikin .
2
Tapikin ang
Mga setting > Google.
3
Tapikin ang Google™ account na nais mong i-synchronize.
4
Pindutin , pagkatapos ay tapikin ang
Mag-sync ngayon.
Upang mag-alis ng Google™ account
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Google.
3
Tapikin ang Google™ account na nais mong alisin sa listahan ng mga account.
4
Pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Alisin ang account.
5
Tapiking muli ang
Alisin ang account upang kumpirmahin.