Memorya
Maaari kang mag-save ng nilalaman sa panloob na storage ng iyong device at sa
memorya ng device.
Memory card
Sinusuportahan ng iyong device ang isang microSD™ na memory card, na ginagamit
para itabi ang nilalaman. Magagamit din ang ganitong uri ng card bilang portable
memory card sa iba pang katugmang mga device.
Maaaring kailanganin mong bumili ng memory card nang hiwalay.
28
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Pag-format sa memory card
Maaari mong i-format ang memory card sa iyong device, halimbawa, upang
makapagdagda ng karagdagang memory. Nangangahulugan ito na iyong buburahin ang
lahat ng data sa iyong card.
Ang lahat ng nilalaman ng memory card ay mawawala. Tiyaking gumawa ka ng mga backup
ng lahat ng nais mong ma-save bago i-format ang memory card. Upang i-backup ang iyong
nilalaman, maaari mo itong kopyahin sa iyong computer.