Sony Xperia M - Pangkalahatang-ideya ng mga setting

background image

Pangkalahatang-ideya ng mga setting

Alamin ang mga setting sa iyong device para ma-personalize mo ang mga ito ayon sa

sarili mong mga kinakailangan.

Wi-Fi

I-on o i-off ang Wi-Fi®, mag-scan ng mga available na Wi-Fi®

network, o magdagdag ng Wi-Fi® network.

Bluetooth

I-on o i-off ang Bluetooth™, maghanap ng mga available na

Bluetooth™ device, at gawing nakikita o hindi nakikita ang iyong

device sa iba pang mga Bluetooth™ device.

Paggamit ng

data

Buksan o isara ang trapiko ng data ng mobile, at subaybayan ang

mga detalye ng iyong paggamit ng data sa isang partikular na

panahon.

Higit pa...

I-on o i-off ang Airplane mode, ikumpigura ang mga setting para sa

VPN at mga mobile network, at paganahin ang iyong device upang

maibahagi nito ang konekyson ng data sa mobile bilang isang

portable na Wi-Fi® hotspot, o sa pamamagitan ng Pag-tether ng

USB o Bluetooth™ tethering. Maaari mo ring paganahin o i-disable

ang function ng NFC.

Mga setting ng

tawag

Pamahalaan at ikumpigura ang mga setting para sa mga fixed

dialing number, voicemail at mga tawag sa Internet.

Tunog

Ikumpigura kung paano nagri-ring, nagba-vibrate o kung paano ka

inaalertuhan ng iyong device kapag nakatanggap ka ng mga

pakikipag-ugnayan. Magagamit mo rin ang mga setting na ito para

i-set ang antas ng volume para sa musika, video, mga laro o iba

pang media na may audio, at para gumawa ng mga kaugnay na

pag-adjust.

Display

Paganahin ang screen para magpalit ng oryentasyon kapag inikot

mo ang iyong device. Mase-set mo rin ang liwanag, laki ng font,

wallpaper at pag-timeout ng screen.

Imbakan

Tingnan ang available na espasyo sa panloob na storage at sa SD

card. Maaari mo ring burahin ang SD card, o i-unmount ito para sa

ligtas na pag-aalis.

Pamamahala ng

power

I-on o i-off ang STAMINA mode. Maaari mo ring tingnan ang

katayuan ng iyong baterya at tingnan kung paano kumokonsumo

ng power ng baterya ang iba't ibang application.

Apps

Pamahalaan ang mga tumatakbong application, mga na-download

na application at mga application sa SD card.

Xperia™

I-access ang isang hanay ng mga setting na ipinasadya sa iyong

device na Xperia, halimbawa, mode ng koneksyon sa USB,

Internet, pag-mirror ng screen, at mga setting ng Throw.

Mga serbisyo ng

Lokasyon

Paganahin o i-disable ang access sa impormasyon ng iyong

lokasyon.

Seguridad

Protektahan ang iyong device sa pamamagitan ng pag-set up ng

iba't ibang lock at password. Maaari mo ring payagan ang pag-

install sa mga application na hindi mula sa Google Play™.

Wika at input

Piliin ang wika ng device, i-adjust ang mga opsyon sa pag-input ng

teksto at ikumpigura ang mga setting ng pagsasalita.

119

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

I-backup at i-

reset

I-back up ang iyong data at i-reset ang iyong device.

Gabay sa pag-

setup

Humingi ng tulong sa pag-set up ng iyong device.

Magdagdag ng

account

Magdagdag ng account sa iyong device, halimbawa, isang email

account o isang Google™ account.

Petsa at oras

I-set ang oras at petsa, o piliin ang mga halagang ibinigay ng

network. Piliin ang gusto mong format ng petsa at oras.

Pagiging maa-

access

Paganahin ang iyong mga naka-install na serbisyo sa pagiging

maa-access at i-adjust ang mga kaugnay na setting.

Mga pagpipilian

ng nag-develop

Magtakda ng mga opsyon para sa pag-develop ng application.

Halimbawa, maaari mong ipakita ang paggamit ng CPU sa Home

screen o i-set ang iyong device para pumasok sa debug mode

kapag may mga aktibong koneksyon sa USB.

Tungkol sa

telepono

Tingnan ang impormasyon tungkol sa iyong device, gaya ng

numero ng modelo at lakas ng signal. Maaari mo ring i-update ang

iyong software sa pinakabagong bersyon.